| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Friday, December 02, 2005

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KAY MAYOR VICENTE “ VIC” AMANTE, SANGUNIANG PANGLUNSOD, AT SA MGA MAMAMAYAN NG LUNGSOD NG SAN PABLO

ALYANSA NG MGA KONSESYONARYO NG TUBIG (AKTU)

Lungsod ng San Pablo


30 Nobyembre 2005

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA KAY MAYOR VICENTE “ VIC” AMANTE, SANGUNIANG PANGLUNSOD, AT SA MGA MAMAMAYAN NG LUNGSOD NG SAN PABLO


Nais naming humingi ng tulong sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pablo upang pigilan pansamantala ang proyektong BULK WATER SUPPLY na kasalukuyang isinusulong ng ng tanggapan ng San Pablo City Water District base sa mga sumusunod na mga kadahilanan:

  1. Sa kabila sa kahilingan ng Unyon ng SPCWD na makaupo sa mga pag-uusap hinggil sa proyektong BULK WATER SUPPLY, habang sinusulat ang liham na ito ay hindi pa rin nabibigyan ng pagkakataon na maka-upo ang mga kinatawan ng Unyon sa mga pagpupulong hinggil sa proyekto;
  2. Hindi malinaw kung napag-aralan ba nang mabuti ang BULK WATER SUPPLY PROJECT. Nangangamba kaming matulad ito sa mga nasayang ng proyekto ng SPCWD tulad ng Doña Leonila Production Well at Filtration Equipment sa Sto. Angel Pumping Station;
  3. Dapat ikonsidera ang pagkuha ng inuming tubig sa Lumbo Spring, na mas masarap ang tubig kaysa sa surface water na manggagaling sa Calibato Lake, bukod sa mas mura ang pag-develop ng isang spring source;
  4. Hindi makakasapat ang BULK WATER SUPPLY PROJECT sa dinaranas nating kakapusan sa supply ng tubig (8,000 metro kubiko) sa tinatayang 5,000 metro kubiko na makukuha dito;
  5. Higit pa sa sapat ang makukuha sa Lumbo Spring (12,000 metro kubiko) at pwede pang pantustos sa mga barangay na hindi pa naseserbisyohan ng SPCWD;
  6. Hindi tayo nakakasigurado kung malinis ang tubig at hindi makakaepekto sa ating mga kalusugan ang tubig na kukuhanin sa Calibato Lake, matapos na ito ay ma-filter. Ayon sa mga pagsusuri na ginawa sa Calibato Lake, positibo ito sa blue-green algae, na lubhang makakasama sa kalusugan ng mga tao.


Sana ay pagtulong-tulungan nating mga tunay na nagmamay-ari ng SPCWD ang pagpigil sa proyektong BULK WATER SUPPLY hangga’t hindi tayo lubos na napapaliwanagan ng mga lehitimong namumuno ng SPCWD hinggil sa biyayang idudulot nito sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pablo.


Sana ay mabigyan ito ng pansin ang ating butihing Punong Lunsod dahil siya ang idinadahilan ng mga kwestyonableng namumuno ng SPCWD upang matuloy ang bulk water SUPPLY project at mayroon din diumano itong kalakip na komisyon na ayon sa aming source ay may kaalaman dito ang ating butihing mayor at mga mataas na namumuno ng SPCWD. Ayon pa sa aming source, kausap na ng mga miembro ng Board of Directors ang mamumuhunan sa proyektong ito na siya rin ang mayroong water rights sa Calibato Lake. Ang mamumunuhan na nabanggit ay kasalukuyang ng nakikinabang sa Calibato Lake at mayroon ng existing na project sa Calibato Lake. DAPAT ISAALANG-ALANG NATIN ANG KAPAKANAN NG MGA NAKAKARAMI AT HINDI NG IILAN. BIBILI ANG SPCWD NG TUBIG SA MAMUMUHUNANG ITO AT SAKA ITO IPAGBIBILI SA MGA MAMAMAYAN NG LUNSOD NG SAN PABLO. GISING MGA KABABAYAN. KAPIT-KAMAY TAYO SA TAMANG KAUNLARAN.

SALAMAT PO.

Nagmamalasakit sa SPCWD:
Mga Kasapi ng AKTU



Binigyang Sipi:

Hon. Mayor Vicente Amante

Hon. Lauro Vidal

Sangguniang Panglungsod

SPC Chamber of Commerce & Industry

Bantay Tubig ng SPC

Krusadang Bayan ng SPC

Integrated Bar of the Phils.-SPC Chapte

Published Deretso Balita