| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Monday, March 27, 2006

Sori po…

Medyo ilang linggo din tayong ‘di nakapag-update. Sori po, medyo naging abala lamang tayo sa prepasyong ginawa namin sa pag-cover sa Sandiganbayan hinggil sa kasong graft & corruption nina mayor Vicente Amante at Abdon Andal.

Sa totoo ‘lang po, ‘ala pa naman akong internet connections sa bahay. Actually, si kaibigang Gerard ang siya namang nagpo-post nito sa webpage natin. Hindi pa baga ako marunong mag-post nito sa internet.

Anyway, taliwas sa nabasa kong pinost daw ng isang “Amante” na baka nagsawa na kami, ‘eh ‘ala po ‘yung katotohan. Hindi po tayo magsasawang magbalita sa inyo ng mga kaanuhan nina Biteng Amante at pati na rin ng rubber stamped niyang sangguniang panglunsod.

Lalo na po ngayon na mainit nating sinusubaybayan ang kaso niya sa Sandiganbayan.

Sabi nga ng mga nakakausap natin sa may alam sa batas: “Mauubusan din ‘yan ng delaying tactic – pera at paggamit ng legal na paraan.”

‘Yung mga motion, pleadings, etc., ‘eh talaga daw ibinigay ng estado sa isang akusado na gamitin upang ipagtanggol ang kanyang sarili. Na kalimitan nga’y nagagamit namang delaying tactic ng mga tusong abogado.

Eto ang analysis pa ng ilan nating kaibigang abogado:

Hindi rin marunong mag-isip ang mga legal adviser ni mayor Biteng Amante. Bakit?

Kung sakaling magkaka-election sa May 2007, maiipit si mayor Amante ng suspension.

Sa kasalukuyan kasi ay hindi pa ma-arraign si mayor Amante sa kanyang kaso sa Sandiganbayan gawa nga ng mga delaying tactic.

Dapat nga sana nitong March 10, pero nakahirit pa ng last try na gimik: nagsumite ng Motion to Quash. (Pakibasa na ‘lang po ng news article hingigl dito na may titulong MAILAP PA RIN).

Kung hindi ba naman bopol ang mga legal adviser ni Biteng Amante, dapat sana’y nagpa-arraign na siya noong isang taon pa kasunod ang 3 months suspension. So, kung nangyari iyon, ‘tyak naghe-hearing na ngayon ng kaso, limot na ng tao ang suspension. Kung naghe-hearing na, ‘eh madali ng gamiting muli ang mga delaying tactic. Pero, dahil hindi pa nga naa-araign at nalalapit na ang May 2007 election, malaki ang posibilidad na tumama ang suspension nito bago magtapos ang taong ito o sa January 2007.

Ngayon, kailangan niyang harapin ang April 28, 2006 para resolbahin ng Sandiganbayan ang kanyang March 8 Motion to Quash. Ang nakakatiyak, denay ‘yun. At ang nakakatiyak, ise-set na ang arraignment. ‘Ala ng remedyong taktika maliban na lamang sa patagalin kung kailan iyon. ‘Tyak gigimik ang mga abogado ni Biteng Amante sa pagsasabi sa korte na “’di po kami pwede sa petsang iyon kasi puno po ang schedule namin.”

So it will be between May 2006 to December 2006 mababasahan ng kaso sina Biteng Amante at Abdon Andal.

Kung sa May, ‘tyak suspendido si Biteng ng June, July & August. At least, pagdating ng pasko’t bagong taon, siya na uli ang mayor.

So ano ang bottomline? Mas maagang ma-arraign, mas maagang mapapagsilbihan ang suspension na maaga ring malilimutan nina Pablo’y.

Pero dahil sa bopol na payo ng kanyang mga legal advicer, na baka nga sina Eleno Mendoza at Nunung Brion, hayun at makokorner na din sina Biteng Amante at Abdon Andal.

Kaya naman, hapit sa pangongotong sa mga kaintsikan at ilang mga Pinoy na negosyante sina Biteng gamitin na dahila’y “ipang-aayos sa Sandiganbayan.” Wow ha!?

Naniniwala tayo na hindi kayang bilhin ni Biteng ang mga Sandigan Justices. Baka ‘yung mga nasa lower rank employee puwede niyang ma-corrupt.

May info na ipinarating sa atin na diumano’y isang ka-tenant ni First Gentelmen Mike sa LTA building ang nagmalaking kayang lakarin kay FG na ipadukot ang kaso sa Sandigan. ‘Yun bang tipong ‘nawalang palang bula ang kaso’ ‘nasunog’ ‘inanay’ ‘pinasok ng akyat bahay ang kuwarto ng clerk of court at tanging ‘yung record ‘lang ng kaso nina Biteng at Abdon ang nanakaw kasama ng maliliit pang kaso pati computer, aircon, etc.’

Nakahanda daw si Biteng na magbayad ng kahit magkano kay FG. Naku ha!? Iba-bribe si FG!?

‘Eh butata sina Biteng. Tahasan daw sinabi ni FG: “Ano ako poor!? Magdusa ka!!!”

So again, sori po sa delay posting…

Happy reading.

Siyanga pala, sa mga ka-Pablo’y natin na nasa ibang bansa, ‘wag na po kayong magpa-subscribe ng print edition ng DERETSO at magastos sa mailing. Regular na lamang po kayong bumisita dito, ‘ala pang gastos… maliban sa kung hindi naman po makakabigat sa inyo’y, konting donasyon para mamintina natin ang website na ito… at baka nga sakaling makabili na ng sariling webpage at hindi iyong nakikiangkas lamang po kami.

Regads kay Kuya Louie Bueser ng Chicago, Illinois; sa aking pamangkin na si Junjun Manalo na nasa Australia; mga pinsan ko na sina Kuya Abner Inciong, Boyie Aliazas, Maricel Aliazas-Avanzado; at si pareng Ipe.



2 Comments:

At 5:32 PM, Anonymous Anonymous said...

Puede bang ibalita nyo ang mga patayang nagaganap dyan sa san pablo.Dahil yung ibang biktima ay di man lang nabibigyan ng hustisya. Pagala-gala lang ang killer malayang malaya.Ang mga pulis hindi naman kumikilos. Andami pa naman ng sinasalvage dyan ngayon. Nakakatakot na ang lugar na yan.

 
At 5:20 PM, Anonymous Anonymous said...

oo na... kung sino mang manalo na meyor dyan sa san pablo eh.. u know na sana matupad ung dream mo na magkapwesto ka sa kapitolyo... para di ka na mapagod kaiisip ng bintang... pero sure ako pag nanalo ung gusto mong manalo at di nagawa ung gusto nyo.. tiyak di nyo rin titigilan... sayang ang binigay ng Dios na talento sa inyo sa halip na gawin sa mabuti eh, sa sariling kapakanan lang ginagawa... totoo man o hindi ang mga bintang nyo isangguni MO muna sana sa Dios, sanay palarin ka sa mga pinaplano mong mabuti.

 

Post a Comment

<< Home