| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Sunday, April 23, 2006

Laban o bawi?

(DIGHAY ng DERETSO, Abril 22, 2006) Isa ‘lang ang dapat piliin ni Biteng kung nais niyang mawala ang kanyang sakit ng ulo o manatili ang sakit ng ulo sa kinakaharap niyang kaso sa Sandiganbayan.

Pamimilian niya ang mag-mayor muli o laya.

Sa arraignment kasi kung magpi-plead siya ng Not Guilty, Your Honor, ‘eh nakakatiyak may pagkakulong dahilan na rin sa tindi ng mga ebidensiya na ihaharap ng panig ng tagausig, lalo na nga ngayon at ie-airtight na nila ang kaso sa pamamagitan naman ng pagsusumite sa Sandigan ng amended informations.

Private transactions daw ang kontrata sa pagitan nina Abdon Andal at ng Informatics. May utang si Andal kay Biteng kaya’t ito (Biteng) na ang tumanggap ng bayad ng advance payment ng Informatics, taliwas sa sabi ng tagausig na ibinulsa niya ang bayad ng Informatics at dummy pa nito si Andal. Kaya nga’t angal pa nila sa Sandigabayan ay wala itong jurisdiction na litisin doon ang kaso. Mas type nina Biteng na sa Regional Trial Court na lamang litisin ang kanilang kaso.

Ang siste’y tila sirang plaka sa pandinig ng mga justices ang istoryang iyon kaya’t kailangan na siyang mabasahan ng kaso at sa proseso na lamang ng hearing ay doon niya patunayan ang linyang iyon. Na kapag nangyari’y baka lalo pa siyang madiin.

Kung sa pagbasa ng sakdal sa May 26 ay aaminin niya ang kasalanan, bababa ng one degree lower ang sintensya sa kanya na kung susuwertihin pa’y baka ma-under provi na ‘lang siya. Samakatuwid, laya siya, as if ‘alang nangyaring kaso sa kanya. ‘Yun nga ‘lang, forever disqualified na siya to hold public office at possible pa ring ipabalik sa kanya ang kung magkano man ang sinasabing ibinulsa niya.

Pero kung gusto pa rin niyang mag-mayor, ‘eh sige ilaban niya ang kaso. ‘Yun nga ‘lang, habang mayor siya at dinidinig ang kaso, ‘eh suspindido muna siya. Pag nagkaganoon, ‘tyak bukod sa watusi’y may panibago na naman siyang alyas, Mr. Mayor Suspindido.

Sa isang banda, hayaan na nga nating makipaglabanan si Biteng sa korte upang kahit papaano’y kumita ang dapat kumita. Siyempre una na dito’y ang iba’t ibang sikat (‘pag may nadilehensya) at ‘di sikat (‘pag napurnada ang pagpapasa ng kung anu-anong panukala sa konseho) na mga law firm sa Ermita, Escolta o Makati. Pangalawa’y ang bulong brigade na nagpapalakas ng loob sa kanya sa pagsasabing ‘Lusot ka ‘dyan bosing, malinis ang pagkakadale mo.’ Pangatlo’y ang palahaw brigade na taga bando ng mga kasaninungalingan sa pagsasabi naman sa publiko na, ‘Alang kaso si bosing, panay paninira ‘lang ‘yan sa kanya.’ At pang-apat ay ang mga doktor o albularyo na magse-certify na ‘Peks man mamatay man si Abi Yu ‘eh nasuri namin na nagkakulane sa singit si Biteng kaya’t ‘di nakadalo sa hearing.’

Hamo na ngang makipagdakdakan siya sa Sandigan para naman at the end of the day ‘eh makita natin kung papaano siya mag-mayor sa Munti.

Ika nga’y Biteng can’t get the best of both world.

Fair deal?

Papano ba Biteng, Laban o Bawi?

P.S. Habang sinusulat ang DIHAY na ito’y narinig namin sa TV Patrol ang sinabi ni Fr. Joaquin Bernas, S.J. patungkol kay PGMA: Palitan ang mga adviser. Sana nga’y narinig din ito ni Biteng upang kahit papaano’y mapagbatayan din niya sa kanyang pagmumuni-muni.



2 Comments:

At 7:11 AM, Anonymous Anonymous said...

wala na kayo talo na si DAMNTONELADA QRAKOT BWISET!!!
PURO KAYO PANINIRA KALA NYO BA MANINIWALA PA ANG TAUMBAYAN SA INYO??? ASA PA KAYO

 
At 2:09 AM, Anonymous Anonymous said...

Hi guys

Thanks for the news. Keep it up.

Sam Dignadice
New Zealand

 

Post a Comment

<< Home