| Home | Local News | Opinion and Editorial | Features |RSS

Tuesday, November 01, 2005

Tunay na terorista

“Queensland Premier Peter Beattie has warned his state and territory counterparts the Federal Government’s proposed new counter-terrorism laws may be unconstitutional.

“A letter cited by the ABC’s AM program from Mr. Beattie says legal advice from the Queensland solicitor-general on proposed preventative detention and control orders says the orders raise ‘significant constitutional problems’.

“A British legal expert says the Federal Government’s proposed new anti-terrorism laws offer limited protection against human rights violations, in comparison to UK laws.”

Ito ang nakalap ng DERETSO sa website ng ABC NewsOnline, isang media outfit sa Australia. October 25, 2005, 8:12AM (AEST) nang i-post ang nasabing balita.

United States of America ang posibleng binabanggit na “Federal Government” sa balitang ito.

Mainit na tinatalakay ngayon sa Kongreso ang hinggil sa Pinoy version na Anti-Terrorism Bill. Mahigit sa limang mga mambabatas sa bansa ang may kanya-kanyang version nito – oposisyon man o pro-administrasyon.

Kung ang mga mauunlad na bansa’y tinitingnang “unconstitutional” ang proposed anti-terrorism bill na isinusulong ng “federal government”, papaano naman ito tinitingnan ng ating mga mambabatas?

Pagtitiwala sa pamahalaan at pagpapanatili sa magandang kultura ng Pinoy na Bayanihan ang mas mabisang pangontra sa anumang panganib – sa terorista man ‘yan o sa switik na dayuhang negosyante.

Nareresolba ang simpleng krimen dahilan na rin sa ibinigay na impormasyon ng komunidad. Umunlad ang Jollibee dahilan na rin sa pagtangkilik ng mga Pinoy. Itinayo ang Toyota Motor Philippines, Corp. sa mahigit 87 ektaryang lupain sa Santa Rosa City dahilan na rin sa paniniwala ng mga kapitalista nito sa kakayahan ng Pinoy.

Bakit pa kailangang hintayin ang dalawampung taon bago umunlad ang Pilipinas gayong bago pa man mag-1986 People Power ay panawagan na ng bawat Pinoy na maging tapat sa tungkulin ang lahat ng public officials?

Ano nga ba ang bottomline? Hindi makakamit ng Pinoy ang katahimikan at tunay na kaunlaran ng bansa hangga’t napapadikta sa “federal government” ang ating mga public officials.

Hindi uunlad ang Pilipinas hangga’t patuloy na ibinoboto ng Pinoy ang mga Gloria, Biteng, Adajas, Abi Yu, July Body, Sanggano Pol, Damusak Vidal, at iba pang sa DIGHAY ng DERETSO’y mga traydor sa bayan.

Ang mga kawangis na nabanggit ang siyang terorista sa tunay na kaunlaran ng bayan na dapat sugpuin, hindi bukas o sa makalawa… NGAYON NA!


Tama na ang paninisi

Hindi ang media ang dahilan kung bakit mababa ang popularity rating ng administrasyon ni Pangulong Arroyo. Hindi dapat ang media ang sinisisi ng Malacanang sa kapalpakan ng mga opisyal ng pamalaan. Ginagampanan lamang ng media ang tungkulin nitong ibalita ang anumang ginagawa ng pamahalaan, masama man ito o mabuti.

Sa kabila ng tila pagkakalito ng administrasyong Arroyo kung ano ang dapat nitong gawin, sinisisi ng National Union of Journalists of the Philippines ang pamahalaan sa pagpapabaya nito na itaguyod ang malayang pamamahayag dito sa ating bansa.

Sinisingil ng NUJP ang pamahalaan sa pangako nitong resolbahin ang mga kaso ng pagpapatay ng mga mamamahayag. Sinisingil namin ang pamahalaan sa hindi pag-aksyon nito sa mga banta laban sa mga mamamahayag.

Tinutuligsa ng NUJP si Secretary Raul Gonzales ng Department of Justice sa pagbabawal niya sa kasamahan naming reporter ng Manila Times na si Jomar Canlas sa pagpasok sa kagawaran upang gampanan ang tungkulin niyang magbalita.

Tinutuligsa ng NUJP ang Armed Forces of the Philippines sa paghuli sa isang potograpo ng Manila Times nitong nakalipas na buwan.

Patuloy na nananawagan ang NUJP sa pamahalaan na gampanan ang tungkulin na protektahan ang kalayaan ng pamamahayag sa bansa sa pamamagitan ng pagresolba ng mga kasong pagpatay sa mga mamamahayag.

Nanawagan kami sa mga awtoridad, lalo na sa hanay ng mga pulis at sundalo, na ihinto ang pananakot sa mga mamamahayag na gumagawa lamang ng kanilang tungkulin na magbalita.

Hinihikayat namin ang pamahalaan na ihinto na ang paninisi sa media at sa mga kritiko ng pamhalaan. Gawin na lamang ng administrasyong Arroyo ang tungkulin nito na mamahala kaysa isisi sa kung kanino ang mga pagkukulang.

Jose Torres Jr.

Commission for the Protection of Journalists

National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)

October 25, 2005